Karapat-dapat ba ako noong nakaraang taon?
Alam mo bang mababago mo ang iyong mga tax return ng hanggang tatlong taon ang nakalipas kung malalaman mong karapat-dapat ka para sa mga kredito ng buwis na hindi mo unang nai-claim?
Magandang balita; maaari mo pa ring makuha ang maire-refund na kreditong ito. Pag-aralan ang tsart sa ibaba para malaman kung maaari kang maging karapat-dapat at kung magkano ka maaaring maging kuwalipikado para sa 2020.
Mga nai-claim na anak o kamag-anak
Pinakamalaking AGI (magpa-file bilang walang asawa, Puno ng Sambahayan, o Balo)
Pinakamalaking AGI (magpa-file bilang Kasal na Magkasamang Nagpa-file)
Mga Pansamantalang Pagpapalawak sa EITC sa Taon ng Buwis 2021 Lamang
May 2 pangunahing pansamantalang pagpapalawag sa EITC.
Kung wala kang kuwalipikadong anak. Maaari kang maging kuwalipikado para sa EITC kung ikaw ay 19 na taong gulang o mas matanda pa at hindi isang estudyante. May dalawang eksepsyon:
- Kung ikaw ay isang estudyante, kailangan kang maging hindi bababa sa 24 na taong gulang para i-claim ang EITC.
- Kung ikaw ay isang kuwalipikadong kabataang walang tirahan o kuwalipikadong dating foster na kabataan, karapat-dapat ka para sa EITC kung ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang.
Kung ang iyong kita noong 2021 ay mas mababa sa iyong Kita noong 2019, maaari kong gamitin ang kitang pinagtrabahuhan mo noong 2019 para kalkulahin ang EITC. Piliin ang taon na magbibigay sa iyo ng mas malaking refund. Kung kayo ay kasal na magkasamang nagpa-file, ang kabuuang kitang pinagtrabahuhan noong 2019 ay tumutukoy sa kabuuan ng kitang pinagtrabahuhan ng bawat isa sa mag-asawa noong 2019.